11 December 2008

LP37: Litratong Pinoy: Mahalagang Regalo

"Mahalagang regalo" ang tema ng Litratong Pinoy ngayong Huwebes. Sang-ayon ako doon sa pinakita ng admin na mahalagang regalo. Sa buhay nating ito marami tayong natanggap/natatanggap na mahalagang regalo. Isa sa mga pinakamahalagang regalo na binigay ng Panginoon sa akin ay ang aking asawa, si Kiko. Siya ay sagot sa aking panalangin dati na bigyan ako ng Panginoon ng asawa na mahal din nya ang Panginoon ng lubos at Siya ang Hari din sa kanyang buhay. Kapag mahal kasi ng isang tao ang Panginoon at Sya ang una sa buhay nya, susundin nya ang lahat ng utos ng Panginoon tungkol sa buhay - sa kilos/gawa, pag-iisip, pagsasalita, damdamin.


"Valuable gift" is the theme of Litratong Pinoy this Thursday. I agree with the valuable gift the admin featured there. We have received and continue to receive many valuable gifts in our lives. One of the most valuable gifts God has given me is my husband, Kiko. He is God's answer to my prayer to give me a husband who loves the God with all his being, and that He is the Lord of his life. I believe that when a person loves God and He is the first in his life, he will obey everything God has commanded regarding living here - in actions/deeds, thoughts, words, feelings.

No comments: