04 December 2008

Litratong Pinoy: Snow

Gaano ba kayo ka-excited na makakita, makahawak o makatikim ng snow? Yelo ang tawag nito sa Pilipinas. Hindi ko lang alam kung may specific na salita para sa snow doon. Lahat tayo na nasa mainit na parte ng mundo ay nananaginip na balang araw makaranas tayo ng taglamig na may yelo sa ibang bansa. Noong ako ay nasa Scotland, naranasan ko ito. Excited ako noon na mahawakan at matikman (kunyari) ang puting-puti na yelo na parang bula ng perla. Kaya nga ito ang ginamit natin noon sa christmas tree na magkakaroon ng epek ng snow. Kaya ayan...lumabas talaga ako at nagposing para makuhanan ng litrato. Napakaromantic minsan ang nararamdaman or naiisip natin tungkol sa snow. Kaya lang kung iisipin natin ang hirap ng paglinis ng yelo sa paligid upang tayo ay makalakad ng mabuti, at hindi matumba o madulas, nawawala ang karamdaman na ito. Buti na lang at hindi nagtagal masyado ang snow noong buwan ng Marso na 'yon dahil mga isang linggo lang at natunaw na kaagad.

Mabuti naman at naging tema ng Litratong Pinoy ang "excited/eksayted" sa ngayon. Malapit na ang Pasko at Bagong Taon kaya maraming dapat pagka-eksaytan.

How excited are you to see, hold or taste snow? We call it "yelo" in the Philippines. I do not know for sure whether there is a specific word for snow there. All of us who are in the tropics dream that someday we can experience winter with snow in other countries. When I was in Scotland, I was able to experience this. I was so excited that time to touch or taste (pretending only) the snow which was so white similar to Perla soap suds. That's why we used to use this in our christmas trees to simulate a snowy scene. So there...I really went out and posed infront of the camera just to have a picture with the snow. Sometimes we feel and think that having snow is romantic. But then when we think of the difficulty of cleaning up the snow around us so we can walk safely, to avoid falling or slipping, it is not romantic anymore! It was good that time in March that it took only a week before it melted.

It's good that Litratong Pinoy chose this theme "excited" during this time. Christmas and the New Year holidays are approaching and there are so many things we can be excited about.

12 comments:

Jenn Valmonte said...

...talagang mafifill mu na ang christmas pag may snow.. heheh..

sana makadaan kadin sa aking lahok.

happy lp

Anonymous said...

exciting nga yan...lalo na sa katulad kong nandito sa bandang walang snow. :)

ganda!!!!!

Happy LP

Carnation said...

oo white christmas, kaya lang sa scotland noon after 25th na nagsnow hindi pa masyado. tapos nong march na lang grabe buhos

 gmirage said...

Niyebe ang tagalog ng snow. :) Naicomment ko na ito sa kabilang litratista pero icocoment ko uli: Yung anak kong panganay, ngumanganga pag bumabagsak na ang niyebe...gaya sa kantang 'Kung ang niyebe(ulan) ay parang tsokolate..." hehe.

Happy LP!

Anonymous said...

Yung anak ko na gitna,sarap na sarap sa snow hehe

Nice catch,btw:)

Happy weekend!

Carnation said...

hindi ko tinikman ang snow...nagposing lang kunyari pero i heard mga kids gawa pa nga sila ng parang halo2 ...

cross eyed bear said...

hehe! ang saya talaga ng snow pag first time makita ano? sandali lang naman din ang pagbagsak nito dito kasi di uso, kaya mas nakakatuwa nung bumagsak sa holland.

niyebe ang tawag natin pero galing din ito sa mga kastila.

gusto ko makapunta scotland!

Four-eyed-missy said...

Siguro ako rin ganyan ka-excited kapag makakita ng snow for the first time *lol* Alikabok lang meron dito sa amin :)

Sreisaat Adventures

Carnation said...

ang saya nga pero pag matagal na nakakapagod na rin ...

Nina said...

nakaka excite talaga ang snow lalo na kung sa isang tropical country ka lumaki. pero masyadong malamig...

Carnation said...

oo malamig ...

Anonymous said...

Cute naman ng pose mo ha ha! I remember the first time I experienced snow, exciting talaga!

have a great week ahead!