01 October 2009

LP: Linis


Masarap maligo sa dagat basta malinis ang tubig. Kaya masayang-masaya ang pamangkin kong si JR noong pumunta kami sa Taringting Beach. Meron kasing mga lugar na marumi ang tabing dagat. Sa amin sa Antique marami pang mga dagat na malilinis. Dahil medyo malayo sya sa maraming tao, o di kaya talagang merong ordinansya ang munisipyo na huwag magtapon ng basura doon. Meron pa nga silang mga grupo na nagbabantay at sinisiguro na walang may nagtatapon ng basura o di kaya walang may kumuha ng mga magagandang bato.

Ang isa ko pang pamangkin, si Tonton, ay iniinspeksyon nya ang mga buhangin kung malinis ang mga ito.

Ngunit pagkatapos ng bagyo lalo na ang bagyong Ondoy sigurado maraming mga basura at gamit-gamit na naanod doon sa ating mga karagatan.
Marami pa doon sa Litratong Pinoy ang tungkol sa topikong Linis.








7 comments:

yeye said...

sana malinis padin yang beach. naapektuhan din kaya ang visayas region? ganyan din sa iloilo eh...may beach padin na kahit hindi na puti ang sand eh malinis padin naman :)

happy LP

Marites said...

oy ang ganda nga ng dagat. sarap na sarap maligo kapag malinis ang dagat ano. maligayang LP!

Willa said...

Iyan ang kailangan natin ngayon sa pinas, ang malinis na tubig!

Mirage said...

kakamiss ang beach! honga nagdumi s ondoy sana lang parang alon ano inilalagay sa isang tabi lahat ng dumi...

Four-eyed-missy said...

Naku, magkapit-probinsya lang pala tayo, Ms. Carnation. Taga-Capiz naman ako at tama ka, meron pang natitirang malinis na beach sa lugar natin. Katulad ng beach ninyo, yung Baybay beach sa amin ay maitim din ang sand. Kung hindi mo sinabi na sa Antique yan, iisipin ko na sa Capiz yan e :)

Sreisaat Adventures

Carnation said...

hi srreisaat, taga-panay ka rin pala. ang galing mo magtagalog a. oo maganda rin dyan sa capiz, meron ngang ecopark dyan sa roxas city yata project ng mga dati kong kaopisina sa bfar.

Carnation said...

hi srreisaat, taga-panay ka rin pala. ang galing mo magtagalog a. oo maganda rin dyan sa capiz, meron ngang ecopark dyan sa roxas city yata project ng mga dati kong kaopisina sa bfar.