18 February 2010

LP: batik/mantsa (spots/specks)

Maraming kahulugan ang mga salitang batik at mantsa. Maaring maganda or masama. Maganda sya kung ito ay nakakatulong sa ating gawain lalo na sa identity ng isang tao or pagpatunay ng katotohanan. Tulad nitong gulong ng inupahan naming sasakyan. Bago ibigay dapat tingnan kung ano-ano ang mga batik na meron na sa sasakyan. Ito ay magpapatunay na ang mga batik ay hindi kasalanan ng kasalukuyang umalkila nito.

Masama naman ang mantsa kung meron kang ganitong sopa, ayaw mong mamantsahan ng kung ano-ano kaya dapat lagyan ng pangtakip o di kaya gumamit ng ibang kulay. Mahirap yata maglaba nito palagi.

May mga batik or mantsa na mahirap tanggalin, meron din namang isang kuskos lang matatanggal na. Sa buhay espiritwal naman, ang mahalagang dugo ng mahal nating Panginoon ang syang tanging makakatanggal ng mantsa ng kasalanan upang tayo ay magkakaroon ng bagong buhay na mapayapa.

Marami pang mga litrato tungkol sa tema na ito doon sa Litratong Pinoy.

9 comments:

Yami said...

kung ganyan na bago ang sofa kailangan talagang ingatan lalo na kapag may mga maliliit na bata sa bahay na hindi maiiwasang umapak o tumungtong sa sofa.

Ebie said...

Mahirap na ang kulay puti, madaling ma mantsahan.

ang mahalagang dugo ng mahal nating Panginoon ang syang tanging makakatanggal ng mantsa ng kasalanan"
Amen ako dito!

arls said...

oo nga. kung ganyan kaputi ang sopa, talagang ingat ang kailangan :)

salamat sa dalaw! happy LP :)

2nette said...

you're right ang pagsisisi at pagbabalik loob lang talaga ang makakaalis ng mantsa ng kasalanan sa ating katawan, mahirap talaga pag light ang color ng gamit madaling mamantsahan

Mirage said...

ung sofa namin ay leder, puro sulat ng ballpen! haha kahit me takip pag me makulit na bata kawawa...pero i like your sofa...onga, check bago pirma ;)

Willa said...

sayang talaga ang puting sofa kung mamantsahan.

Pinky said...

Ganda naman ng iyong mensahe, Carnation! :)

Carnation said...

sopa ito ng isang kaibigan. yong aking sopa kulay blue kaya hindi halata kung may mantsa man.

salamat sa dalaw

thess said...

Iba't ibang pananaw ukol sa mantsa, ang ganda ng isinulat mo Ms. Carnation!