06 August 2009

LP: Almusal

Masarap ang aming almusal nang pumunta kami sa Sorsogon noong nakaraang Marso. Espesyal ang aming pagkain dahil galing ito sa gobernador at sya rin mismo ang naghatid ng mga ito sa aming otel.





Ang nilagang kamote, biko at isda ang mga pagkaing galing sa lugar na iyon. Ang longganisa naman ay galing sa Iloko.



Parang gusto kong kumain uli ng mga ganito, lalo na ang isda na preska at ibinilad ng isang araw lamang. Walang mga ganyang pagkain dito. Hahanap na lang ako ng medyo pareho pero iba talaga ang sariling atin!

Marami pang mga kuwentong almusal doon sa
Litratong Pinoy.

31 comments:

an2nette said...

Ang sarap naman ng mga iyan, bigla akong nahomesick, nice shots and happy LP

thess said...

Mukhang masarap nga yung isda, lalo na kung may sinangag at sawsawang kamatis, yum!!

Willa said...

bigla ko naman na miss ang daing dahil sa post mo. :)

Carnation said...

nakakagutom nga ..salamat sa dalaw

emarene said...

gusto ko yung biko, parang native na native!

Mauie Flores said...

Tawag namin sa dinaing na isda na yan ay "badi" o "abu". Bihira na kaming mapadalhan ng biyenan ko galing Bicol dahil madalas ang pag-ulan.

Ito nga pala ang lahok ko: http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-almusal-breakfast.html

admin said...

yum ang sarap nakakagutom naman yan... mahilig ako sa biko kaya lang bihira dito ang biko at mahal... kakagutom di pa ko nagaalmusal... hahaha..

ito ang lahok ko ng ALMUSAL para sa litratong pinoy

salamat sa pagbisita :)

Yami said...

Gusto ko po lahat 'yan!

Carnation said...

oo nga, nakakagutom ang LP posts ngayon! salamat sa dalaw

karmi said...

isang namimiss ko talaga sa Pinas eh ung biko! :D hehehe. sarap!

PEACHY said...

miss ko na ang biko, yun type kong biko kasi nasa ilocos pa eh tagal na akong hindi nakakauwi sa ilocos.

nakakamiss talaga ang mga pagkaing pinoy lalo na kung walang access nito sa lugar mo :-)

magandang araw!

Arlene said...

Yummy ang sarap ng mga ito. Gusto ko biko na tira tira the day before and the bulad? hmmmm am sure masarap yan sa mainit na kanin.

Gutom na gutom na talaga ako. :)

fortuitous faery said...

Katakam-takam lahat!

upto6only said...

kakagutom ang mga litrato mo. kakakain ko pa lang ng tanghalian gutom na naman ako...

Carnation said...

masarap ang biko na gamit ang muscovado hindi refined sugar. at kung lagyan ng dahon ng kalamansi instead of vanilla, hmmm

Rico said...

Naku ang sarap nga ng isda na yan.

arls said...

nilagang kamote pala yun!! :) heheheh....

happy LP!!! saya saya gn almusal!

Four-eyed-missy said...

Wow, isang masaganang Pinoy na almusal!



Sreisaat Adventures

Mirage said...

Nagutom naman ako, teka maghahalungkat ako ng tuyo...hehe

Marites said...

simple pero espesyal ang pagkagawa ng mga yan :) parang ang sarap makisali sa kainan ninyo. maligayang LP!

yeye said...

i'll go for the daing :)



eto naman po ung akin :D

Proteksyon at Almusal

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

shie said...

natatakam naman ako lalo na sa biko :)

Well Lagman said...

very native naman ng almusal mo. naku! sarap ng longganisa!
salamat sa pagbisita!
Happy LP!
Almusal

Unknown said...

nako! eto ang panalong almusal! pedeng samahan ng mainit na sinangag... nagugutom tuloy ako. Thanks for sharing!

Zeee said...

wow ang sarap naman! na miss ko na rin ang native food natin!!

shaine said...

ung daing ang gusto ko hehehe

Meikah said...

Masarap nga!!! =P~ kakagutom!

ajay said...

Daing at kamote...yan ang gusto ko! Salamat sa pagdalwa, ka-LP!!!:)

ohmygums said...

Pinoy na Pinoy!... nakaka-miss 'yang lasa:)

Lara said...

ate, i havent thought about chorizo and uga for a very loooong time....aaaaahhh, exctied na ko mapuli...amo gid ni akon pangayuon for breakfast!!!

Marly said...

Oh my God! I love these foods. Miss ko na all of these.

Marly
of
Mhar's Display
Bright Bundles
Workplace On the Web
Food Sense
A Blogger's Tech Notes
Any Day Shop
Emotionally Entertaining