Isa sa mga masasarap na kakainin sa merienda ay ang mga produktong tinapay galing sa Iloilo. Masarap isawsaw sa kape or tsokolate na cacao. Naalala ko yong aking ama tuwing pumupunta sya noon sa Iloilo palagi syang bumibili ng mga ganitong tinapay para sa amin. Masaya nga dahil sa isang kahon iba-ibang klase ng tinapay ang laman. Pero napansin ko ngayon medyo lumiit na ang mga ito (kiddie size), siguro dahil na rin sa ekonomiya natin kaya nagtitipid na rin ang mga gumagawa. Pero masarap pa rin sya, lalo na gustong-gusto ito ng mga bata.
Dito naman sa Thailand kung saan mura lamang ang mga prutas, madalas prutas na rin ang aming kinakain tuwing merienda, lalo na pagdating sa bahay galing sa opisina, o di kaya pagkatapos ng bible study o kahit anong pagtitipon. Kahit sa mga coffee breaks sa mga otel, may mga prutas na rin silang binibigay kasama ng mga tinapay o cake. Sa mga ayaw kumain ng mga nakakatabang pagkain, puede na itong prutas at maganda pa ito sa ating kalusugan.
Dito naman sa Thailand kung saan mura lamang ang mga prutas, madalas prutas na rin ang aming kinakain tuwing merienda, lalo na pagdating sa bahay galing sa opisina, o di kaya pagkatapos ng bible study o kahit anong pagtitipon. Kahit sa mga coffee breaks sa mga otel, may mga prutas na rin silang binibigay kasama ng mga tinapay o cake. Sa mga ayaw kumain ng mga nakakatabang pagkain, puede na itong prutas at maganda pa ito sa ating kalusugan.
20 comments:
Mangosteen!! miss na miss ko na ang Thai mangosteen. Magkano na ang kilo nito?
yan ang masarap na merienda, prutas :)
Pagkaing Iloilo! masarap yan - lalo na yung biscocho - yummy...
Masarap talagang meryenda ang mga prutas,pero gusto ko rin yung mga tinapay na pinost mo. :)
masarap naman talaga ang mga merienda sa atin lalo na yung mga regional delicacy, happy huweBEST
yep! pinakamainam ang prutas pang meryenda! lalo na ang saging, bawi agad ang energy! happy lp.
Di ako kumakain ng saging pero yang rambutan ay gustong-gusto ko!
Sana'y magustuhan mo rin ang merienda kong hatid ngayon Hwebes:
http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-merienda-snack.html
gusto ko rin yung barquillos...kahit madaling mabasag hehe.
@thess oo mura lang d2 pag nasa season sya, hindi sya nakakasawa. minsan may 20-30 baht/kg lang sa palengke esp sa wholesale.
@emarene oo masarap din ang biscocho, all time favorite yan
@willa pasalubong ito ng friend ko kaya masayang-masaya ako.
@an2nette oo nga ano? meron na ring magandang packaging pero di pa nila masyadong na-hot ang export market
@mirage, maganda ang saging lalo na pag inaantok ka
@mauie, ang rambutan ang may pinakamataas na sugar content pero masarap sya i can eat a lot din
@faery oo ako rin, barquillos talaga reminds me of childhood
salamat sa dalaw
Sarap ng barquillos... yummm!
gusto ko ung piyaya (sa iloilo ba un?) tanda ko kasi yun ang pasalubong sa akin ng friend ko na galing Iloilo.
eto naman ang meryenda ko: http://sweetbitesbybang.com/2009/08/litratong-pinoy-meryenda-kape-at-bagel-with-herbed-cream-cheese/
@sassy yup masarap din yon, maraming klase meron ding medyo makapal at saka meron ding may polvoron sa loob, tawag barquiron. marami doon naman sa roxas city.
@bang oo piyaya nga yan masarap din. meron din sa bacolod yan, tapos kahit sa antique meron kami pero ibang klase sa amin, lumpia wrappers na may filling tapos baked. sori wala ako pic ng piyaya kasi bilis maubos by the time maalala kong kuhanan ng picture nasa tiyan ko na ha ha ha
Tama ka dun! Kami rin medyo mas nag-focus sa fresh fruits nowadays. Hindi na kami nawawalan ng saging.
dapat nga talaga prutas ang ating merienda.:P masarap nga ang mga tinapay sa iloilo. paborito ko yong galletas ng pan de molo.
Yung team ko na mga taga-Iloilo, ang madalas pasalubong din sa akin ay ang brojas. Masarap at malutong.
panalo ang iloilo (luv your own kasi haha) pagdating sa mga pasalubong.:)
at wala ng mas sasarap pa sa fruits/. healthy merienda pa. :)
eto naman po ung akin :D
mabigat na merienda :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
ay :(( sayaang di nakita ng kapatid ko yan sa ilo-ilo :(( si bong-bongs and parati nyang dala/pasalubong sa amin noong nasa OJT sya sa NN ship
salamat sa pag sali sa tema ngayun at sa masarap na komento
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
hindi pa ako nakakatikim ng tinapay ng iloilo. pahingi naman
happy LP
pahingi naman
Happy LP
mangosteen! miss ko na yan kainin... ang mahal kasi dito kaya hindi ako makabili, imported kasi.
i am on a diet so dapat fruits ang meryenda. but i can never ignore such sweets! heto nga ang aking peyborit na merienda e, ang banana cue!
Post a Comment