Isa sa mga masasarap na kakainin sa merienda ay ang mga produktong tinapay galing sa Iloilo. Masarap isawsaw sa kape or tsokolate na cacao. Naalala ko yong aking ama tuwing pumupunta sya noon sa Iloilo palagi syang bumibili ng mga ganitong tinapay para sa amin. Masaya nga dahil sa isang kahon iba-ibang klase ng tinapay ang laman. Pero napansin ko ngayon medyo lumiit na ang mga ito (kiddie size), siguro dahil na rin sa ekonomiya natin kaya nagtitipid na rin ang mga gumagawa. Pero masarap pa rin sya, lalo na gustong-gusto ito ng mga bata.
Dito naman sa Thailand kung saan mura lamang ang mga prutas, madalas prutas na rin ang aming kinakain tuwing merienda, lalo na pagdating sa bahay galing sa opisina, o di kaya pagkatapos ng bible study o kahit anong pagtitipon. Kahit sa mga coffee breaks sa mga otel, may mga prutas na rin silang binibigay kasama ng mga tinapay o cake. Sa mga ayaw kumain ng mga nakakatabang pagkain, puede na itong prutas at maganda pa ito sa ating kalusugan.