Ito ang ilan sa mga paborito naming kainin sa tanghali lalo na kung kami ay nasa Isan (northeast region of Thailand). Doon sa probinsya ng Ubon meron kaming paboritong kainan at ito ang palagi naming inoorder. Ang sarap talaga ng mga ito. Kaya naman kahit nandito na kami sa Bangkok hinahanap-hanap pa rin namin ang mga ito.
Here are some of our favorite food for lunch especially when we are in the northeast region of Thailand. In the province of Ubon we have a favorite restaurant and we always order all of these. They are really delicious and we are always looking for this kind of food even here in Bangkok.
Here are some of our favorite food for lunch especially when we are in the northeast region of Thailand. In the province of Ubon we have a favorite restaurant and we always order all of these. They are really delicious and we are always looking for this kind of food even here in Bangkok.
Ang somtam thai ay papayang hilaw na may halong kamatis, hibe, mani, sitaw, bawang, palm sugar, lime juice, patis, at sili. Tawag namin dito ay papaya pokpok dahil dapat pukpukin sya sa almeres na kahoy or marmol. Marami itong klase lalo na hinahaluan din ng hilaw na talangka at pla ra (fermented fish) na di ko kaya ang amoy. Tawag nila somtam lao. Kaya ako somtam thai na lang para enjoy ang kain.
Inihaw na tilapiang pula (pla taptim). Masarap din ito syempre lalo na preskang preska dahil binebenta ito na buhay. Punong-puno ng asin ang balat kaya dapat tanggalin sya at hwag kainin dahil masyadong maalat. Masarap isawsaw sa namprik (chili sauce).
Inihaw na spareribs. Mahirap lang kainin kung matigas at parang nakikipag-away ka. Masarap ang timpla na medyo matamis ng konti.
Kaning malagkit (khao nyao). Mabigat sa tiyan at siguradong aantukin ka pagkatapos ng pananghalian. Masarap siyang isawsaw sa somtam at sa namprik.
Preskang gulay. Kailangan sya lalo na kung maanghang ang kinakain dahil ito ay medyo malamig sa dila. Maganda pa sa atin health. Marami namang klase ng sawsawan na ibat-ibang levels ang anghang. Yong nasa ibabang kanan may halong insekto kaya meron syang kakaibang amoy na sarap na sarap silang isawsaw ang malagkit at kung ano-ano pa na pagkain. Di ko rin kaya ang amoy at lasa nito.
Bisitahin nyo naman ang iba pang mga pagkain sa tanghalian doon sa Litratong Pinoy.
20 comments:
mukhang masarap ang mga thai foods na yan nakakagutom, nice shots and hapi LP
isa sa mga paborito ko ang pagkaing thai... nakakagutom ang lahok mo...
nandito naman ang akin: http://chicpinay.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian.html
Thai food is also one of the best cuisine...unique din ang pagkain nila. At sa litrato mo ay mukhang masarap...
Hmmm... nakakagutom naman ang handa mo. Heto naman ang aking handa.
and daming pagkain grabe katakam takam cya.
Happy LP
uy ngayon ko lang nalaman yung about the fresh veggies and spicy food,ganon pala yun,may natutunan na naman ako. :)
Inihaw na spare ribs hindi ko tatanggihan. At yung isda, mukhang malaman. Mahilig ako sa mga isda, kahit anong luto.
ang sasarap naman ng lahok mo!
eto ang lunch ko: http://sweetbitesbybang.com/2009/08/litratong-pino…n-lunch-halaan
Masarap din ang handa mo rito ah! Maligayang LP!
thai food ulet. hehehe. sarap!
eto naman po ung akin :D
Tanghalian
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
Happy Huwebes Ka LP sarap nang Thai Food!!
marami nga talaga ang nasasarapan sa thai food. salamat sa dalaw
favorite ko yung Som Tam!!!! graveh!!! =)
donna, oo nga e, di na tayo nagsawa sa somtam, ano?
tsarap! nakakagutom :)
mahilig ako sa thai food...pero parang hindi ganyan ang somtam na nasubukan ko dito...hehe. mas authenthic yan! :P
marami naman talaga varieties ang somtam. kaya depende na lang sa timpla. puede rin ang somtam na cucumber lang haluan ng salted eggs. meron ding somtam na carrots. or somtam polamai (prutas) na masarap din. kung ano-ano na lang puede pero ang orig ay yong papaya.
parang gusto ko ung somtam thai... kakaiba eh! hahaha! salamat sa bisita!
happy LP!
Almusal
ate, pagkita ko pa lang sang picture sang somtam galaway na ako. yummy!!!
woo hoot! ang sasarap naman nyan! thai food rocks!
Post a Comment