07 January 2010

LP: Makapal (Thick)

Ang hirap mag-isip kung ano ang dapat kong ilagay sa tema ngayong linggo. Naisip ko nga ang makapal na suot ko noong nasa Scotland ako dahil sa malamig na panahon. Dapat makapal ang nakabalot sa katawan, tulad ng nasa litrato. (It was a bit difficult to think of what photo to put here according to the theme this week. I thought of the thick clothes I wore when I was in Scotland coz it was very cold. One really had to wear thick clothing, just like in the photo above).

Naisip ko rin na ngayong bagong taon marami ang naghahangad na makapal ang pitaka. Na dapat daw punong-puno ito ng pera upang sa buong taon hindi mawawalan ng pera sa pitaka. Heto naman ang litrato ng makapal na pitaka. Ngunit hindi naman lahat ng laman nito ay pera. Merong mga cards ng kung ano-ano at mga litrato ng mga mahal sa buhay at may mga resibo rin. (I also thought that during this new year, many people wish to have a thick wallet. They said when the new year comes, your wallet should be full of money so that you will not run out of cash for the whole year. Here is a picture of a thick wallet. Yet it does not contain only money. There are cards of many kinds as well as photos of loved ones and some receipts.)


Naisip ko ring magsulat tungkol sa mga makakapal na mukha kaya lang hindi kasya dito ang mga litrato nila. :) (I also thought of writing about people who have 'thick faces' but then the space here would not be enough for all their photos).

Marami pang mga makakapal na kwento doon sa litratong pinoy. Halika at tingnan natin kung ano ang sinulat ng mga ibang pinoy. (There are many more stories about thickness there at litratong pinoy. Come on and see what others have written there.)

Happy new year!

15 comments:

January Zelene said...

hehehe... ganyan din pitaka ko makapal puno ng resibo at cards tulad ng sm advantage card at kung anu-ano pang suki card..

Magandang Araw!

thess said...

Ha ha, ang cute ng yellow jacket mo, talagang palaban sa lamig!
btw I worked/lived in Thailand from late '92-early'99 ...'consider it my second home in Asia :)

Happy New Year and Happy LP day!

sawasdee!

Carnation said...

@january kakatawa yang SM advantage card, kasi everytime nandyan ako sa pinas shopping sa SM palagi nilang tinatanong kung meron akong card na yan. sabi ko wala, ask nila bakit ...

@thess talaga, nandito ako since 1989! sayang hindi man lang tayo nag bump into each other that time. email mo ko pag makapasyal ka ulit. ang yellow jacket na yan waterproof pa kaya di na kailangan ng payong.

Unknown said...

hahahah hindi ba kasya mukha nila? yong makapal na pitaka pala, di rin mabuti kahit resibo lang ang laman. the other day inagaw ang makapal kong pitaka habang naglalakad ako galing sa bangko. nahuli naman ang snatcher...pero yon nga, nakakatawag pansin pala ang makapal na pitaka.

shutterhappyjenn said...

Salamat sa pagdaan sa LP entry ko. Isa mga dahilan kaya love na love ko ang Pinas - ayokong magsuot ng makapal na jacket... Kaya hirap na hirap ako pag pumunta sa Baguio minsan kasi tinitiis ko ang lamig. :)

lino said...

haha, korek carnation, kukulangin ang space para sa makakapal na mukha ng tao tulad ng mga nasa corrupt na gobyerno...

Carnation said...

@luna, buti naman nahuli ang snatcher. tama nga akala kasi nila pagmakapal maraming pera...kaya dapat mag-ingat din.

@shutter pareho tayo, gusto ko pa rin dito sa Asya.

Joy said...

Naalala ko nung high school, pakapalan ng pitaka pero di pera o resibo o credit card ang laman, puro litrato ng magkakaibigan! Ginawang photo album!

Salamat sa pagdalaw!

Dinah said...

Wala palang panama ang jacket ko sa aking entry. mas makapal ito! siempre, tagaytay lang naman yung sa akin e.

at, gusto ko rin ng makapal na wallet, pero sa akin, puro resibo ang laman e :-)

Ebie said...

Sabi nila the worst daw ngayon ang winter sa Europa, buti lang kapal ang suot mo.

Ako rin, kapal ang wallet ko sa dami ng resibo at credit cards.

Kailan kaya kakapal ang wallet na ang laman pera? Heehehehe mag lotto na lang!

Happy New YEar!

Carnation said...

@joy oo nga tama yan nong HS mga ID pics ng kaberks...

@dina & ebie sana nga talaga ano di lang resibo at cards kungdi totoong pera...

@ebie oo sabi nga ng scottish friend ko baka winter forever na raw doon

2ngaw said...

Hehehe :D Ako rin dati makapal wallet ko pero tinanggal ko na lahat ng nakalagay, mga IDs lang naman eh lolz

Carnation said...

@Lord CM, kaninong wallet kaya mas makapal - babae or lalake? maganda siguro tingnan kung ano-ano ang laman

2ngaw said...

Sa mga nakikita ko at kaibigang babae o lalake, mas makapal ang mga wallet ng girls :D aminin lolzz

Ronnie said...

sana ganyan din lagi kakapal ang wallet ko. hehe.