20 June 2011

babalik nga ba?

ito ang isa sa mga katanungan na palagi nating naririnig lalo na galing sa mga kababayan nating bumibisita dito sa atin sa labas ng bansa. minsan naman sasabihan ka talagang dapat nang bumalik sa atin dahil kailangan tayo ng gobyerno. tulad na lamang noong nakaraang linggo kung kelan merong isang conference ng mga asean tungkol sa food security. marami akong na-meet na mga pinoy, yong iba mga dating kakilala at kaibigan, yong iba naman bagong kaibigan. isa na dito sa kaka-meet ko lang ay ang mama na may mataas na posisyon sa isang opisina doon sa atin. inintrodyus ako sa kanya, na ako ay dating iskolar ng gobyerno at ng opisina nila. bigla ba naman nya akong sinabihan (o pinagalitan) na dapat ako ay umuwi na sa pilipinas at ako ay ginastusan ng gobyerno na mag-aral at bakit daw ako ay wala sa pilipinas. sya nga daw sariling pera nya ang ginastos nya sa kanyang pag-aaral ngunit nagtatrabaho sya sa gobyerno. ako ay hindi na nakasagot. nainis nga ako sa sarili ko dahil dapat sinagot ko sya. nainsulto ako ng konti doon ngunit hindi naman ako guilty kahit alam ko gusto nya na makonsensya ako.

ang masabi ko lang sa pangyayari na ito ay hindi sya dapat humusga. hindi nya ako kilala. hindi rin nya alam ang aking sitwasyon. hindi rin nya alam ang mga dahilan kung bakit ako ay hindi nagtatarbaho sa pilipinas ngayon. sa maikling salita, wala siyang ka-alam-alam kaya dapat hindi sya nagsalita ng ganoon. buti nirespeto ko pa sya lalo na sa publiko nya sinabi yon at marami ang nakakarinig.

ang naisip ko lang sa nangyari ay ganito: ang gobyerno ng pilipinas o sinuman na gustong gawing kaakit-akit ang pagbalik sa pilipinas ng mga pinoy upang ito ay manilbihan, dapat naman silang magsalita na walang pag-iinsulto, walang pagka-matapobre, walang may paghuhusga.

uuwi at uuwi din naman kami, pansamantala o di kaya panghabambuhay. hindi natin alam ang bukas . ngunit huwag na huwag nilang isipin na dahil tayo ay nasa ibang bansa wala na tayong pagmamalasakit sa ating bayan at kapwa pinoy. huwag nilang isipin na hindi tayo tumutulong. kaya huwag silang mang-insulto. lalo na yong sa matataas na posisyon, dapat sila ay maging maingat sa kanilang mga salita. at dapat alamin muna nila ang mga facts bago sila humusga.

ang naalala ko nang tinanggap ko ang scholarship sa unibersidad mga 30 taon na ang nakaraan, nakalagay doon na pagkatapos ng aking pag-aaral ako ay manilbihan sa industrya sa bansa o sa rehiyon. sa mga 25 taon kong pagtatarbaho sa pilipinas at sa rehiyon ng asya, ako po ay nasa industrya pa rin. kaya hindi ako dapat maging guilty sa isyu na ito.

maraming kuwento tungkol sa pagbabalik sa pilipinas doon sa PEBA. inaanyayahan po kayong bumisita doon.

3 comments:

LordCM said...

kung sa gobyerno nga sya nagtatrabaho dapat alam nyang malakeng pera ang ipinapasok natin sa pinas.malakeng tulong sa ekonomiya ng pinas ang mga padala ng ofw.

nakakainis lang ung mga taong magagaling kahit hindi pa alam ang buong istorya.

Carnation said...

tama ka lord cm...salamat sa pagbasa.

Desert Aquaforce said...

hmmmm... kaya pala ganoon ang komento mo sa Katig Page huh! Kung alam niya nga lang sana, baka ma appreciate niya pa kung bakit napadpad tayo sa malalayong lupain. He should be proud of us.

Bible Inspiration