Showing posts with label heart. Show all posts
Showing posts with label heart. Show all posts

19 February 2009

LP46: Tipanan (Date)

dahil kami ng asawa ko ay mahilig sa kalikasan, ang mamasyal sa mga magagandang tanawin ay isa sa paborito naming gawain. dahil tahimik at malayo sa gulo ng mundo, mararamdaman namin ang pagkakaisa ng aming mga puso na sumasang-ayon kahit walang salitaan. nakikipag-isa na rin kami sa aming paligid, at aming marinig ang kanilang kakaibang tunog. masarap ang pakiramdam ng ganito, at pagkatapos ng ilang oras, handa na uli kaming harapin ang mundo. kaya kung medyo pagod na tayo sa "takbuhang daga" halika na at mamasyal sa pinakamalapit na bundok o dagat atbp.

my hubby and i love nature, so visiting places to look at their natural beauty is one of our favorite must-do. since these places are quiet and far from the chaos of the world, we can feel our hearts in agreement even without speaking. we also become one with nature, hearing sounds otherwise not heard. we really feel good about this, and after a few hours there, we are again ready to face the world. that's why if we feel a bit tired of being in the rat race, let's go and visit the nearest mountain or beach etc.

marami pa ang tungkol nito sa/more of these at
litratong pinoy.


visit Tagalog Dictionary.

12 February 2009

LP45: Puso (o Hugis-Puso) (Heart or Heart-Shaped)

Ito ngayon ang nakasabit sa aming kuarto.
Binili ko ito noong Sabado.
Katuwaan lang.
Para sa araw ng mga puso at
gumanda ng konti ang aming maliit na tirahan.
Natuwa naman si Kiko nang dumating sya noong
Linggo galing sa byahe nya sa Japan.
Minsan hindi natin kailangan ang mamahaling bagay upang
mapasigla ang buhay, mapasaya ang ating puso at
mapangiti ang ating mga minamahal sa buhay.
Maligayang araw ng mga puso sa lahat.


This is what is hanging in our room now. I bought this last Saturday. Just for fun. For the day of the hearts and to make our small place a little bit pretty. Kiko was happy to see it when he arrived last Sunday from his Japan trip. There are times when we do not need expensive stuff to make life more lively, make our hearts happy and to make our loved ones smile. Happy day of the hearts to everyone.

Marami pang mga puso doon sa/More hearts there at
Litratong Pinoy.