Ang hirap mag-isip kung ano ang dapat kong ilagay sa tema ngayong linggo. Naisip ko nga ang makapal na suot ko noong nasa Scotland ako dahil sa malamig na panahon. Dapat makapal ang nakabalot sa katawan, tulad ng nasa litrato. (It was a bit difficult to think of what photo to put here according to the theme this week. I thought of the thick clothes I wore when I was in Scotland coz it was very cold. One really had to wear thick clothing, just like in the photo above).Naisip ko rin na ngayong bagong taon marami ang naghahangad na makapal ang pitaka. Na dapat daw punong-puno ito ng pera upang sa buong taon hindi mawawalan ng pera sa pitaka. Heto naman ang litrato ng makapal na pitaka. Ngunit hindi naman lahat ng laman nito ay pera. Merong mga cards ng kung ano-ano at mga litrato ng mga mahal sa buhay at may mga resibo rin. (I also thought that during this new year, many people wish to have a thick wallet. They said when the new year comes, your wallet should be full of money so that you will not run out of cash for the whole year. Here is a picture of a thick wallet. Yet it does not contain only money. There are cards of many kinds as well as photos of loved ones and some receipts.)
Marami pang mga makakapal na kwento doon sa litratong pinoy. Halika at tingnan natin kung ano ang sinulat ng mga ibang pinoy. (There are many more stories about thickness there at litratong pinoy. Come on and see what others have written there.)
Happy new year!