Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

28 October 2010

LP: Ingay (Noise)



Tok! Tok! Tok! Tahimik at biglang narinig ko itong ingay. Ano kaya yon? Nasa isang opisina ako na tahimik sana dahil kailangan kong magconcentrate sa aking pagsusulat. Ngunit na-istorbo ako sa ingay na ito. Kaya pinuntahan ko ang sulok ng kuarto kung saan nanggagaling ang ingay na yon. Ito ang aking nakita:

May mga yelong nabuo doon sa loob ng AC, at maingay dahil nahuhulog sila sa sahig.



Ang bilis ding matunaw kaya ito lang ang nakuhanan ko.

Maraming pang kuwentong 'Maingay' doon sa Litratong Pinoy site.

(Tok! Tok! Tok! It was quietbut suddenly I heard this noise. What could it possibly be? I was in another office that was supposed to be quiet because I needed to concentrate on writing my paper. But this noise disturbed me. So I went to that part of the office where the noise came from, and I saw pieces of ice inside the AC unit. When they dropped to the floor they made that noise. Once on the floor it was quick to melt so I could only take one photo.)

04 March 2010

LP: Kalikasan (Nature)

Marami ang nagsasabi na ang pagsusugpo ay nakakasira ng kalikasan. Maari nga na ganyan ang sitwasyon dati. Ngunit sa ngayon, marami na ring mga aksyon upang maiwasan ang pagsisira sa ating kalikasan. Isa nito ay ang pag-gamit ng putik galing sa pala-sugpuan bilang pampataba ng mga halaman lalo na mga gulay at prutas. Kaya naman ang tatambok ng mga halaman at hindi na ring kailangang gumamit ng mga gamot kaya malinis sya. Dapat talagang kahit ano man ang ating hanapbuhay lahat tayo ay sisikaping hindi masira ang kalikasan upang ang mundo ay maging maganda lalo na para sa mga susunod na henerasyon.





Shrimp farming has had many detractors, blaming it for the destruction of nature and the environment. It might be true in some areas many years ago. But nowadays, efforts are being made to slow down and maintain a better environment so nature is not affected. One of these is the use of sediments from the shrimp ponds as fertilizers for vegetable and fruit farming. The crops are healthy and there is also no need to use pesticides so they are clean. It is just right that whatever we do for our livelihood, we should always consider how to keep our surroundings in good condition and live harmoniously with nature, which will help to make the world a better place, especially for the future generations.

More at Litratong Pinoy.

18 February 2010

LP: batik/mantsa (spots/specks)

Maraming kahulugan ang mga salitang batik at mantsa. Maaring maganda or masama. Maganda sya kung ito ay nakakatulong sa ating gawain lalo na sa identity ng isang tao or pagpatunay ng katotohanan. Tulad nitong gulong ng inupahan naming sasakyan. Bago ibigay dapat tingnan kung ano-ano ang mga batik na meron na sa sasakyan. Ito ay magpapatunay na ang mga batik ay hindi kasalanan ng kasalukuyang umalkila nito.

Masama naman ang mantsa kung meron kang ganitong sopa, ayaw mong mamantsahan ng kung ano-ano kaya dapat lagyan ng pangtakip o di kaya gumamit ng ibang kulay. Mahirap yata maglaba nito palagi.

May mga batik or mantsa na mahirap tanggalin, meron din namang isang kuskos lang matatanggal na. Sa buhay espiritwal naman, ang mahalagang dugo ng mahal nating Panginoon ang syang tanging makakatanggal ng mantsa ng kasalanan upang tayo ay magkakaroon ng bagong buhay na mapayapa.

Marami pang mga litrato tungkol sa tema na ito doon sa Litratong Pinoy.

07 January 2010

LP: Makapal (Thick)

Ang hirap mag-isip kung ano ang dapat kong ilagay sa tema ngayong linggo. Naisip ko nga ang makapal na suot ko noong nasa Scotland ako dahil sa malamig na panahon. Dapat makapal ang nakabalot sa katawan, tulad ng nasa litrato. (It was a bit difficult to think of what photo to put here according to the theme this week. I thought of the thick clothes I wore when I was in Scotland coz it was very cold. One really had to wear thick clothing, just like in the photo above).

Naisip ko rin na ngayong bagong taon marami ang naghahangad na makapal ang pitaka. Na dapat daw punong-puno ito ng pera upang sa buong taon hindi mawawalan ng pera sa pitaka. Heto naman ang litrato ng makapal na pitaka. Ngunit hindi naman lahat ng laman nito ay pera. Merong mga cards ng kung ano-ano at mga litrato ng mga mahal sa buhay at may mga resibo rin. (I also thought that during this new year, many people wish to have a thick wallet. They said when the new year comes, your wallet should be full of money so that you will not run out of cash for the whole year. Here is a picture of a thick wallet. Yet it does not contain only money. There are cards of many kinds as well as photos of loved ones and some receipts.)


Naisip ko ring magsulat tungkol sa mga makakapal na mukha kaya lang hindi kasya dito ang mga litrato nila. :) (I also thought of writing about people who have 'thick faces' but then the space here would not be enough for all their photos).

Marami pang mga makakapal na kwento doon sa litratong pinoy. Halika at tingnan natin kung ano ang sinulat ng mga ibang pinoy. (There are many more stories about thickness there at litratong pinoy. Come on and see what others have written there.)

Happy new year!

01 October 2009

LP: Linis


Masarap maligo sa dagat basta malinis ang tubig. Kaya masayang-masaya ang pamangkin kong si JR noong pumunta kami sa Taringting Beach. Meron kasing mga lugar na marumi ang tabing dagat. Sa amin sa Antique marami pang mga dagat na malilinis. Dahil medyo malayo sya sa maraming tao, o di kaya talagang merong ordinansya ang munisipyo na huwag magtapon ng basura doon. Meron pa nga silang mga grupo na nagbabantay at sinisiguro na walang may nagtatapon ng basura o di kaya walang may kumuha ng mga magagandang bato.

Ang isa ko pang pamangkin, si Tonton, ay iniinspeksyon nya ang mga buhangin kung malinis ang mga ito.

Ngunit pagkatapos ng bagyo lalo na ang bagyong Ondoy sigurado maraming mga basura at gamit-gamit na naanod doon sa ating mga karagatan.
Marami pa doon sa Litratong Pinoy ang tungkol sa topikong Linis.








23 September 2009

LP: Palengke

Kakaiba ito. Alam ba ninyo kung ano ang binebenta sa munting palengke na ito sa Laos? Kahit sa Isan ganito rin sila magbenta lalo na pag medyo malayo ang pinanggalingan. Mga semilya ng isda tulad ng tilapya, barb, carpa, hito. Kawawa naman ang mga isda lalo na pag mainit. Dahil sa kulang talaga ang semilya sa mga lugar na ito, kailangang bumili dito kahit papaano upang merong mailagay sa fishpond.


Marami pang klaseng palengke doon sa Litratong Pinoy.

17 September 2009

LP: Karatula

Kahit saan tayo pumunta marami tayong makikitang mga karatula. Iba-ibang klase ang mga ito. Marami-rami na rin akong nakuhanang litrato ng mga karatula sa aking paglibot sa iba't-ibang bansa. Ito ang ilan lamang sa kanila:


Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang lugar na binibisita ng mga tao.


Nagbibigay ng instruksyon kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa isang lugar. Maiintindihan ito ng dayuhan at katutubo dahil ang mga litrato ay klaro naman kung ano ang ibig sabihin kahit hindi marunong magbasa.

Ito naman sa isang paaralan na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang patakaran at bumabati sa mga nanalong estudyante. Ito ay isa na ring klase ng pag-aanunsyo na mahusay ang paaralang ito.


Itong mga litrato ay nag-aanunsyo ng kanilang serbisyo para sa mga turista.


Ito ang pinakamahalaga na karatula na kahit napakaliit ang mga sulat ngunit mabigat pa rin ang kahulugan. Tinuturo nito ang tamang daan na dapat nating sundin upang ang ating buhay ay magkaroon ng halaga, ngayon at magpakailanman. Hindi lamang pansamantala ang makukuha nating benepisyo dito kungdi habambuhay at walang katapusan.

Halika at tingnan natin ang iba pang mga karatula doon sa
Litratong Pinoy.

13 August 2009

LP: Tanghalian (Lunch)

Ito ang ilan sa mga paborito naming kainin sa tanghali lalo na kung kami ay nasa Isan (northeast region of Thailand). Doon sa probinsya ng Ubon meron kaming paboritong kainan at ito ang palagi naming inoorder. Ang sarap talaga ng mga ito. Kaya naman kahit nandito na kami sa Bangkok hinahanap-hanap pa rin namin ang mga ito.

Here are some of our favorite food for lunch especially when we are in the northeast region of Thailand. In the province of Ubon we have a favorite restaurant and we always order all of these. They are really delicious and we are always looking for this kind of food even here in Bangkok.

Ang somtam thai ay papayang hilaw na may halong kamatis, hibe, mani, sitaw, bawang, palm sugar, lime juice, patis, at sili. Tawag namin dito ay papaya pokpok dahil dapat pukpukin sya sa almeres na kahoy or marmol. Marami itong klase lalo na hinahaluan din ng hilaw na talangka at pla ra (fermented fish) na di ko kaya ang amoy. Tawag nila somtam lao. Kaya ako somtam thai na lang para enjoy ang kain.

Inihaw na tilapiang pula (pla taptim). Masarap din ito syempre lalo na preskang preska dahil binebenta ito na buhay. Punong-puno ng asin ang balat kaya dapat tanggalin sya at hwag kainin dahil masyadong maalat. Masarap isawsaw sa namprik (chili sauce).

Inihaw na spareribs. Mahirap lang kainin kung matigas at parang nakikipag-away ka. Masarap ang timpla na medyo matamis ng konti.

Kaning malagkit (khao nyao). Mabigat sa tiyan at siguradong aantukin ka pagkatapos ng pananghalian. Masarap siyang isawsaw sa somtam at sa namprik.

Preskang gulay. Kailangan sya lalo na kung maanghang ang kinakain dahil ito ay medyo malamig sa dila. Maganda pa sa atin health. Marami namang klase ng sawsawan na ibat-ibang levels ang anghang. Yong nasa ibabang kanan may halong insekto kaya meron syang kakaibang amoy na sarap na sarap silang isawsaw ang malagkit at kung ano-ano pa na pagkain. Di ko rin kaya ang amoy at lasa nito.

Bisitahin nyo naman ang iba pang mga pagkain sa tanghalian doon sa Litratong Pinoy.

30 July 2009

LP: Proteksyon (Protection)

Nasa Pilipinas ako noong isang linggo, sa kalagitnaan ng bagyong Isang (Molave) at hanging habagat. Dahil dito hindi natuloy ang aking byahe sa ibang probinsya. Itong mga litrato ay kinuha ko mula sa aking kuarto sa isang otel. Nasa mataas akong palapag ng gusali at parang nakakatakot tingnan ang paghampas ng ulan at hangin sa bintanang salamin. Mas nakakatakot kung ikaw ay nasa labas at nababasa ng ulan. Buti na lang ako ay nasa loob ng kuwarto at may proteksyon.

I was in the Philippines last week, in the middle of the tropical storm Isang (Molave) and the southwest monsoon. I had to cancel my trip to the province because of this. The photos below were taken from my hotel room. I was on one of the higher floors and it was frightening to see the rain and wind battering the glass windows. It would be more scary though to be outside under this kind of rain. It was good I was inside and protected.

Pagkatapos ng aking meeting sa UP Diliman, dumaan ako ng UP shopping center upang bumili ng payong. Nagamit ko rin ito dahil maulan nga sa Maynila. Naging proteksyon ko sya sa ulan at iba pa, dahil puede rin syang gamiting armas baka sakali. Dinala ko sya pabalik dito upang maging pa-ala-ala, kasi matibay rin naman at maganda pa. Chinek-in ko sa eroplano ngunit pagdating ko rito hindi sya kasama sa mga bagahe na lumabas. Nawawala sya at hanggang ngayon hinihintay ko ang tawag ng airline kung nahanap na nila. Limang araw na ang nakaraan at wala pa rin akong balita. 185 pesos lang naman yon pero ang habol ko ang prinsipyo na sana huwag nakawin ang hindi sa iyo. Nag-iisip ako kung saan sya nawala, kung doon sa atin o dito na. Baka kasi sa paliparan dito dahil hindi nila sinusuri ang mga baggage tags paglabas ng mga tao sa customs, kaya kahit sino na lang puedeng kuhanin ang mga dala-dala, lalo na itong payong, dahil madali syang bitbitin. Ewan lang.

After my meeting at UP Diliman I passed by the UP shopping center to buy an umbrella. I was able to use it because it was raining most of the time in Manila. It protected me from the rain and many other things, as it can also be used as a weapon just in case. I brought it back with me as a souvenir, as it is also strong and pretty. So I checked it in on the plane but when I arrived here it did not come out with the other bags. I could not find it and until now I am still waiting for the airline to call me if they have found it. Five days have passed and I don't have any news yet. It costs only 185 pesos but it's the principle of the thing that people should not take what is not theirs. I am thinking where it might have gotten lost, was it in the Philippines or here. Maybe here at the airport because they do not check the baggage tags when people come out so anyone can just take anything, especially an umbrella which is easy to carry. I just do not know.

Nasa Maynila pa rin ako noong nagkaroon ng eklipse ngunit hindi ako nakalabas upang tingnan sya. Kailangan ng proteksyon sa mata dahil baka masira ang mga ito kung titingnan ng direkta ang araw. Kaya ako ay tumingin lamang sa labas at ito ang aking nakita habang ako ay nagta-trabaho sa aking computer at nakikinig sa balita. Maulap din ng araw na yon.

I was also in Manila during the eclipse but I was not able to go out to watch it. Our eyes also needed protection as it was not advisable to look at the sun directly. So from my room I just looked out and this was what I saw, while I was working on my computer and listening to the news. It was quite cloudy that day as well.

Syempre ang pinaka-proteksyon ko ay ang dakilang Panginoon na palaging nandito sa aking tabi, saan man ako pupunta.

Of course my greatest protector is the Almighty God who is always by my side, wherever I go.

Marami pang kuwentong proteksyon doon sa/
More protection stories at
Litratong Pinoy

09 July 2009

LP: Basa (Wet)


Alam nyo ba kung saan ito? Kinuhanan ko ito sa isang palengke sa Phnom Penh. Pero kahit saang palengke makikita rin natin ang ganitong tanawin kapag hindi maayos ang pag-pangangasiwa ng palengke. Sana magkaroon sila ng kanal upang ang tubig ay puedeng umagos at maging malinis ang paligid. Hindi palaging basa tulad nito. Delikado rin ito dahil maging sanhi pa ito ng mga sakit.

Do you know where is this place? This photo was taken in one of the markets in Phnom Penh. However, we can see this in any market where the management is not so efficient. There should be a canal so the water can flow out making the place cleaner. So the road will not always be wet like this. This condition is also bad as it can bring many diseases.


Dito naman nila tinatambak ang mga basang basura at grabe talaga ang amoy sa palengke na ito. Kumakapit pati sa aming mga damit. Sana matuto na silang magtulungan upang maging malinis ang palengke nila.

This is where they dump their wet garbage/solid wastes and the smell is so terrible. It stuck even on our clothes. Hopefully they can all learn to work together to make their market clean.

Marami pang mga basang kwento dito/More wet stories here
Litratong Pinoy

25 June 2009

LP: Dito Lang (Only Here)


Justify Full
Dito lang sa iyong tabi
Mararamdaman ko ang init
Dahil sa lamig ng Disyembreng gabi
Dito lang sa iyong tabi.

Only here by your side
I can feel the warmth
Coz of the cold December night
Only here by your side.

Kinuha ko itong litrato noong nakaraang Disyembre sa isang lugar na malapit sa bundok. Malamig nga naman kaya dapat lang may katabi para mahimbing ang tulog. Kahit saan tayo makakarating basta ang ating mga mahal sa buhay hay dito lang sa ating tabi, masaya na tayo.

I took this photo last December when I went to an area near the mountains. It was really cold and you really need to have somebody by your side so you can sleep really well. We are already happy wherever we may be as long as our loved ones are by our side.

Marami pang mga kwentong Dito Lang/
More Only Here stories

18 June 2009

LP: Imposible Ba Ito?

Imposible ba ito? Naghaharana itong mama habang kami ay kumakain sa isang Lesehan, ang kainan sa gilid ng kalsada sa Yogyakarta, Indonesia, kung saan nakaupo lamang sa sahig ang mga kumakain. Di ba parang imposible na maging instrumento ng musika itong hawak nya? Pero kahit ganito lang ito kasimple nakakatulong pa rin ito sa paghahanapbuhay.
Is this impossible? This man is serenading us while we are eating in a Lesehan, a streetside restaurant in Yogyakarta, Indonesia, where the diners sit on the floor. It seems impossible that this piece can be used as a musical instrument, isn't it? However, even if it is just simple it can still help in earning an income.

Imposible ba ito? Ang mama naman na may gora ay naghahanapbuhay rin. Hulaan nyo kung ano ang kanyang ginagawa. Dino-drowing nya ang litrato na nasa cellphone.
Is this impossible? The man wearing a cap is also trying to earn an income. Guess what he is doing. He is drawing the picture which is in the cellphone.



03 April 2009

LP52: Paboritong Litrato (Favorite Photos)







inabangan. hinintay. kinuhanan ng sunod-sunod. nangawit ang aking mga braso. paborito ko ang mga ito. ito ang kwan phayao sa probinsya ng phayao, thailand. tuwing naiisip ko itong lugar na ito, naaalala ko ang kantang dandansoy
(...pauli ako sa payaw...)


i waited for each scene and took a series of shots. my arms felt tired just to wait. these are my favorite photos. this is phayao natural swamp, phayao province, northern thailand. when i think about this place, i always remember the song dandansoy (...i will go home to payaw...)


More favorite photos at Litratong Pinoy.