Kahit saan tayo pumunta marami tayong makikitang mga karatula. Iba-ibang klase ang mga ito. Marami-rami na rin akong nakuhanang litrato ng mga karatula sa aking paglibot sa iba't-ibang bansa. Ito ang ilan lamang sa kanila:
Nagbibigay ng instruksyon kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa isang lugar. Maiintindihan ito ng dayuhan at katutubo dahil ang mga litrato ay klaro naman kung ano ang ibig sabihin kahit hindi marunong magbasa.
Ito naman sa isang paaralan na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang patakaran at bumabati sa mga nanalong estudyante. Ito ay isa na ring klase ng pag-aanunsyo na mahusay ang paaralang ito.
Ito ang pinakamahalaga na karatula na kahit napakaliit ang mga sulat ngunit mabigat pa rin ang kahulugan. Tinuturo nito ang tamang daan na dapat nating sundin upang ang ating buhay ay magkaroon ng halaga, ngayon at magpakailanman. Hindi lamang pansamantala ang makukuha nating benepisyo dito kungdi habambuhay at walang katapusan.
Halika at tingnan natin ang iba pang mga karatula doon sa
Litratong Pinoy.
7 comments:
Soksabay, Carnation!
Tama ka, hindi lang para sa impormasyon ang mga karatula kundi pati na rin sa pagbibigay ng babala sa mga tao. At kahit di man ito mabasa ng mga banyaga, nariyan ang iba't-ibang litrato o simbolo na may universal meaning. E paano kung ito ay pilit na isinalin sa wikang banyaga? May ganyang karatula akong nakita sa China :)
Sreisaat Adventures
Korek! Napakalaking tulong talaga ang mga karatula...
parang gusto ko na tuloy gawing hobby itong pag litrato ng iba't-ibang katula. :)
Salamat sa dalaw.
@sreisaat alin dyan ang meron sa china?
@sassymom oo basta maintindihan
@emarene tama enjoy yan, meron akong pinsan yan ang hobby.
yup! madami rin talagang silbi ang karatula, lalo na sa Pilipinas at palapit na ang eleksyon. :)
marami ngang gamit ang mga karatula at bahagi na ng ating mga buhay. maligayang LP!
That's right! The Bible is the best Sign for us. Thanks!
Post a Comment